jump to navigation

PAANO BA’NG MAGING ISANG DUBBER?

PAANO BA’NG MAGING ISANG DUBBER?ni LUCY QUINTO

Sa tagal na rin ng pagiging dubbing supervisor ko, ang mga katanungang ito ang rnadalas kong marinig sa mga baguhang kasama at sa mga taga-pelikula na rin. E, bakit daw kailangang i-dub pa ang mga pelikula? Ayos naman daw ang mga film equipment natin. Good naman daw ang take nila sa shooting. Malinis naman ang mga original sound. Bakit nga ba?

Sa totoo lang, ang synching ng dialouges ang pinaka-matinding problema ng mga taga-pelikula. Mapapansin mo sa screen na parang hinahabol ng mga artista ang kanilang sarili kapag nagsasalita na. Ganoon din kasi kabilis ang pag-ikot ng negatives na nakakarga sa arriflex camera na ginagamit sa shooting. E walang blimp ito. Kaya ultimo ang pinakamahinang ungol o ingay, maririnig ng sensitibong mikropono ng soundman. Kaya ang dubbing e nauso para maging pulido ang sound ng mga pelikulang lokal na itinatanghal sa mga sinehan.

Ang isang pelikula, bago ganap na tawaging finish product ay pinuputul-putol tnuna sa ilang daang loops. Ito ang idi-na-dub ng mga artista. Ng mga dubber. Minsan, ilang estudyante ng iba’t ibang unibersidad ang napasyal sa dubbing room. Nakita nila ang ginagawa namin. Pinanonood ang loop na nakasubo. Pinag-aaralan ng artista ang tamang delivery. Ang eksaktong emotion at iba pa. “Walang personalan, pare… Trabaho lang ito.” Close up ang kuha. Malapit lang ang kausap. kailangan bang ilakas ang delivery? Tama ba ang ekspresyon ng mukha? Okey ba ang galaw ng labi? Kailangan kasi, nasa puso mo at nasa isip ang dialouge. Alalahanin mo, wala ka sa harap ng camera. Mikropono ang nasa harap mo. At ang mismong sarili mo. Kapag hindi mo ito na-i-synch, hindi pa good. Kahit ilang ulit magpabalik-balik ang loop, gagawin natin hanggang hindi perfect. Napailing na lang ang artista at mga observer na mga estudyante. Ganoon pala ‘yon. Ang hirap palang maging dubber.

Mangingiti na lang ako. At muli, may magtatanong. Paano kung drama? Kung iyakan? Kailangan din ba’ng umiyak at mag-drama ang dubber sa loob ng dubbing room? Tiling ako. Makikita ko ang labis na pagtataka sa kanilang mga mukha. Magpapaliwanag ako. Voice acting lang ‘yan. Kita na sa screen ang pag-iyak ng artista. Sa dubbing, boses na lang ang pinaiiyak mo. Kapag umiyak ka kasi nasal na ang labas ng boses. Ngongo na. At hindi mo maiintindihan ang sinasabi mo. Nangyari ito kay Dina Bonnevie sa “Maging Akin Ka Lamang.” Hindi raw siya puwedeng hindi umiyak habang idina-dub niya ang kanyang eksenang iyakan. Ang sabi ko puwede. Kung iiyak si Dina, tiyak kako na ngongo ang labas. “Gawin mo

Basta Kami’y sama-sama lagi kaming masaya.

nga,” ang sabi niya. Eh di ginawa ko. At napatunayan niya na puwede naman pala. Naiintindihan pa ang mga sinasabi kahit paiyak ko itong ginawa. So, ganoon ang ginawa niya. Nang matapos siya ng isang loopp at niri-review na namin, para raw siyang nagi-guilty at hindi siya talagang umiiyak habang nagda-dub. “Gusto mo ulitin natin ang pagkahirap-hirap na loop na ‘yan?” At mangingiti na naman ako.

Sa dubbing room, hindi lang ang tamang voice acting ang itinatama ng dubber. Kung minsan, pati ang dialouge. So shooting kasi, kapag nadala na sa eksena ang direktor kahit pamali-mali na ang dialouge ng artista, hindi siya agad kuma-cut. Maku-cure naman sa dubbing, sabi nila. Sa totoo lang, ang mga palpak na naganap sa shooting, naaayos sa dubbing room. Walang imposible sa dubbing room. Basta matiyaga ang artista, solve ang problema. At kailangan may mahaba kang pasensiya. Dahil kung wala, unit din ang ulo mo kapag mainit na ang ulo ng dubber o artistang hindi makuha ang kanyang dialouge.

E sino ho ba sa mga artista natin ang mabilis mag-dub? ang tanong ng isa sa mga observer. Si Sharon ba? Si Maricel? o si Vilma? Ang sagot ko’y pare-pareho sila. Danga’t kung minsan, kapag sadyang mahirap, bumabagal din sila. Gaya ni Sharon na laging drama ang dating ginagawa. Kapang-kapa niya ito. Kaya ubod siya ng bilis. Pero nang gumawa siya ng comedy nahirapan siya talaga. Dahil sa bukod sa kailangang maging tomboy siya sa “Jack and Jill” iba siyempre ang dapat maging timbre ng boses niya para maging kapani-paniwala siya sa kanyang papel na ginagampanan. Kaya ang pobre, talagang nagdusa sa loob ng dubbing room. Si maricel

Hainan na kilala sa mga comedy films, nahirapan nang husto nang mag-drama siya sa “Pinulot Ka Lang Sa Lupa.” Iba kasi ang emosyon sa drama. Ibabagay mo ang timbre ng boses mo sa bawat eksena. Sisigaw ka kung kailangan. liyak ka. Magagalit. Magbaba ng tinig. Nakakaloka talaga. Pero, para sa akin, lahat sila magagaling, Mabibilis. At masunurin. Lalo na sina Philip Salvador, Rudy Fernandez, Bong Revilla at iba pang young star, mapa-action o drama man.

Noong dubber pa lang ako, naranasan ko rin ang hirap na dinaanan ng mga dubber ngayon. Mahihigpit ang mga nagbabantay na direktor at assistant direktor. Lalo na si Direktor Ishmael Bernal. Mabusisi siya. Metikuloso talaga. Kapag nai-dub mo na ang isang loop, isasabay niya ang original sound o guide sa dubbed loop. Kapag hindi perfect o may lihis na kapiraso, ipauulit niya sa artista o sa dubber. Matalas ang tainga ni Bernie. Alam niya kapag maya tama o defective ang tape. Tatarayan niya agad ang mga looper at assistant editor dahil hindi nila nabura ang tape na ginamit nilang master. Kaya nga kahit sa pagme-marry ng mga loops, nakabantay si Bernie. At hanggang sa crowd dubbing nariyan siya. Siya ang perfect supervisor. Hindi siya pumapayag na manipis ang crowd ng kanyang pelikula. Kaya nga nang gawin namin ang “Himala” sinabi niya na kailangan maging pulido ang crowd dubbing. Gumamit ako ng 120 katao para sa pelikulang ito ang pinaka-magandang naidub namin at nilapatan ng crowd dubbing.

E paano ho kayo naging dubber? Tanong ng isa pa. Laking radyo ako. Siyam na taon palang ako, radyo na ang mundong ginagalawan ko. Nang mauso nga ang dubbing sa pelikula, isa ako sa maraming radio talent na madalas maimportang mag-dubbing sa mga boses ng mga artista. Naging kasama namin sa dubbing room sina Augusto Victa, Dante Castro, Nick de Guzman, Lina Anota, Eva Alalay, Evelyn Bontogon, Joey at Josie Galvez, Edwin at Mario O Hara, Gene Palomo, Tony Angeles, Luz Ferandez at ang mga namayapa ng sina Perry Fajardo at Err Ramos. Sino ba ang hindi makakakilala sa kanila. Mga bating na pangalan sila sa radyo. Timbre pa lang ng boses tiyak na hahangaan mo na. Ang gaganda talaga. At ang gagaling nila. Isinama rin namin sina Olive Madridejos, Vangie Labalan, Val Victa, Bernard Canaberal, Sergio Andro, Eloisa Cruz, Lolita Pamatmat, Evelyn Loreto, Phil at Bobby Cruz.

Iritang-irita ako noong kapag naririnig ko ang sinasabi ng mga direktor at assistant direktor. “Walang tunog na radyo ha. Gawin n’yong natural lang. At kung puwede, ayaw namin ng nagboboses bata at matanda.” Sa isang banda naisip ko na baka may batayan ang mga direktor kaya nila ito sinasabi. Kaya inupuan ko nang husto ang dubbing. Pinag-aralan ko ang tama at mali. Nakita ko ang kanilang sinasabi. Isipin mo kung ang idi-nab mong goon ay maganda ang boses kaysa sa bida. Magmumukhang panis ang bida, di ba? Natural, papalitan rno ang boses ng goon

na idinab mo. E kung nagmamadali na ang prodyuser, sorry na lang. hayaan mo nang maging kahiya-hiya si bida sa isang goon lamang. Doon nagsimula ang challenge. ‘Yung mga kasama kasi naming taga-radyo, hindi na puwede sa puyatan dahil may mga trabaho pa sa araw. ‘ Yong iba naman, busy sa kanilang mga programa sa radyo. E sa dubbing, hindi puwede ang may limitasyon ka sa oras. Ang sabi nga ni Bernal, wala kaming karapatang magkasakit. Para raw kaming mga doktor na laging on call. Pag nandiyan na ang trabaho, paspas. Kesehodang puyat ka o pagod ka. Kaya, hayun, naghanap kami ng mga bagong talento na puwede naming hasain na maging dubber na tulad namin. Sinimulan namin sa mga crowd dubbing. Kapag may paiispatang dialouge na nawawala, pasusubukan naming ipa-dub. Presto, kung hindi man perpekto, ‘yun na ang pinaka-malapit na boses.

Sa pagiging dubbing supervisor ko, ang masasabi ko lang, very hostile sa akin ang mga artista at technician. Isipin mo, para na rin akong direktor na nakakapag-utos, nakaka-cut at nakakapagsabi ng good at hindi pa. Pero sa totoo lang, patibayan ng dibdib at sikmura dito sa dubbing room. Kailangan, lagi kang mapag-pasensiya lalo na kung isnabero at makulit na goon o character actor ang isu-supervise mo. Kukulitin kang talaga.

Ngayon nga, pagkaraan ng halos isang dekada, happy na rin kami sa mga hamon ng aming trabaho. Marahil, naka-pagambag na rin ako sampu ng mga kasama ko ng kahit kakarampot na husay at sigla sa paglalapat ng tinig sa pelikulang pilipino. Ngayon, wala na ang boses radyo na sinasabi nila. Wala na ang mga nagboboses matanda at bata. Basta kailangan ang batang dubber, nagdadala na kami ng mga dubber na bata. Ang mga anak-anak ng mga kasama ko, nagsimulang bata sa dubbing. Nariyan sina Carmina at Junjun de Guzman (mga anak ko ho sila). Sa dubbing room na nagdalaga at nagbinata ang dalawang anak kong ito. Dumating din sa grupo sina Lorna, Eric, Duday at Jojo Galvez (mga supling nina Joey at Josie). Talagang hindi kami tumitigil ni Josie sa pagtuklas ng mga bagong talento. Nariyan lang sila. May mga boses pero hindi mo naririnig. Walang nakatutuklas. Walang nagbibigay ng pagkakataon. Nandiyan kami. Handang tumulong sa kanila. Tulad nang pagbibigay namin ng pagkakataon sa mga sumusunod na magbibigay ng kanilang pahayag sa kanilang karanasan sa pagiging dubber:

GWEN MASILONGAN – Kailangan matiyaga ka at matipid. Kasi, kung mabilisan ang tawag, kailangang mag-taksi ka na. At siyempre dapat may beeper ka para pag may schedule, ikaw ang unang-unang maaabisuhan. Sa totoo rin, huwag kang gagawa ng sarili mong lakad. Wala ka ng karapatan kapag dubber ka na.

SONNY ALALAY – Mahirap na masarap ang maging dubber. Una, dapat maging makapal ang mukha mo. Hindi puwede ‘yung mahiyain ka. Kailangan

kasi, mai-project mong mabuti ang karakter na ipada-dub sa iyo. Ikalawa, kailangan, para kang Boy Scout. Laging Handa. Kasi, hindi mo alam, kung kailan ka uuwi. Kaya ako, laging may baong t-shirt, toothbrush, toothpaste, facial lotion, cotton, brief, at kung anu-ano pa. Dala ko na balos ang kalahati ng gamit ko sa bahay sa aking maliit na bag.

PI ALALAY – Lahat kami ay matiyagang tinuruan ng mga style at technique para maging mahusay na clubber. Pero, siyempre, bawat isa sa arnin, ay may kanya-kanyang kahusayan… may kanya-kanya ring kahinaan. Sa ganang akin, may ihahatol akong tatlong mabisang gamot sa mga gustong maging clubber: Una – daanin sa bills ang delivery Ikalawa – lakasan mo ang bato ng boses. Ikatlo – Pag wala pa rin at nabubulol ka pa rin, lakasan mo na ang loob mo… Magdasal ka ng taimtim at siyento porsiyento makatsa-tsamba na ang dila mo. Tamo, kahit may pagka-bulol ako, naging dubber ako.

CARMEN SERAFIN – Kailangan no regrets ka. Yun bang handa mong kalimutan ang mga dalawin mong patay na kamag-anak sa sementeryo. Dahil kapag dubber ka, walang todos los santos. Kapag ipinatawag ka for dubbing, go ka na. Gabi man o araw. Hindi mo na sarili ang oras mo.

NOEL URBANO – Hindi lang basta boses ang kailangan sa pagiging clubber. Dapat may talent ka at creativity. Para ka rin kasing artista rito e. Aarte ka sa harap ng mike. Mahirap ang maging dubber. Pero kung matutuhan mong mahalin ang trabaho ito sampu ng mga kasama mo, mamahalin ka rin nito. Di ba?

JOEL MASILONGAN – KAHIT DAGYO o Holiday, kapag may tawag kailangan sumipot ka. Wala namang problema sa akin. Okey lang. Kaya nga dubber ako e.

MAY ANN ORTEGA – Sa trabahong ito, dapat wala kang boyfriend. Dahil siguradong wala ka ng panahon sa kanya. Talo mo pa ang artista rito. Kasi ang artista, may sariling schedule. Ang isang dubber, sinasalo ang schedule ng artista.

JUNJUN DE GUZMAN – Ang aking pananaw sa pagiging isang clubber ay simple lang naman. Kung marunong kang mag-dub, e di mag-dub ka. Kung wala kang tiyaga, huwag ka nang magbalak maging dubber. Baka kasi maubos ang panahon sa pagtuturo sa’yo. Ganoon lang.

MINNA NICOLAS BERNALES – If you have personal plans like this 9:30 am, may tawag ka. Labas tayo. Let’s go and watch a movie – go shopping and eat outside. 11:00 am. Ready ka ba? I’ll pick you up or magkita tayo sa…” 12:05 pm, when you’re about to go biglang tutunog ang beeper mo. “SOS LANG. Kailangang-kailangan kayo dito sa Magnatech at 2 pm. Hindi darating ‘yung artistang schedule. Ipada-dub na dahil may playdate na. Pasensiya na… from Tita Lucy. O, ha? If you can telerate that kind of sked, more or less puwede ka na. Next is you have to know and learn how to emote, synch and mimic the manners of speaking of the person you’re going to dub. PR din pala. Importante ‘yon. Time so lovelife, well… don’t ask me. I married a dubber. O di ha?

ALVIN BERNALES – Siyempre dapat marunong mag-synch ang dubber, Then, marunong ka dapat ng voice acting. Ito ang essential na factor sa lahat. Siyempre pa, pakikisama din. Ang puyat, okey lang ‘yan. Availability, punctuality, paggaya ng boses ect… Magkakasunod-sunod na iyan. As you go, malalaman mo na marami ka na palang alam. Tulad ko… Nagtivaga silang turuan ako kasi nagtiyaga rin akong matuto.

AMY AGUIRRE – Talent din ‘yon. Not everybody can do it really. Kailangan dito ang rhythm. At saka you should be open to suggestions and criticism. Before, I was afraid to dub. Pakiramdam ko kasi, itinutulak ako sa malalim na parte ng swimming pool. Nilulunod. Only to find out later on that I can dub and even supervise.

MACOY VILLAROMAN – Kailangan mo ng patience for you to be able to strive harder and learn to three aspects of dubbing. Ability to learn and master the job, ability to follow instructions at saka ability to mimic voices.

JAY R FLORES – Produkto ako ng crowd dub-bers. Sa crowd clubbing kasi, mahahasa ka sa timing at voice projection. From there eto ako. I am grateful sa pagiging dubber ko although alam ko its still a long way para masabi kong very successful ako sa napili kong trabaho.

EDWIN ORTEGA – Ang katulad namin pako. Pinupukpok nang husto para bumaon. ‘Yon kasi ang pinaka-effective na paraan para matutuhan namin ang kahalagahan ng aming trabaho.

Marami pang ifs at buts kaming dapat ayusin para ganap na maging pulido ang aming trabaho. Pero, unti-unti, natutuhan na namin ito. Salamat sa matiyagang guidance at tiwalang ipinagkaloob sa amin ng mga producer at direktor na nakakatrabaho namin.

Ganoon naman yata talaga sa mundo ng pelikula. Nagsisimula ang lahat sa maayos na treatment ng script, sa mahusay na execution ng direktor at sa magaling na pagganap ng mga artista.

 

 

Mga Puna»

No comments yet — be the first.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: